Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

WATCH: Fight scenes sa The ScAvengers finale ng 'Bubble Gang,' buwis-buhay

By Dianara Alegre
Matinding salpukan ng jokes at banat, tampok sa The ScAvengers finale ng 'Bubble Gang' ngayong November 22.

Taas-noong ipinagmalaki ni Kuya Allan Peter Kuya Thanos himself, Michael V., ang inihandang twist ng Bubble Gang team para sa finale ng 'The ScAvengers,' bilang pagdiriwang ng ika-24 anibersaryo ng longest-running gag show.

LOOK: Meet the 'ScAvengers' of 'Bubble Gang'

Naging maingay ang unang episode ng 'The ScAvengers' na ipinalabas nitong November 15, at tiniyak ni Michael V. na mas papatok pa ang part two at finale ng telemovie special dahil sa kakaibang twist nito.

“'Yung confrontation 'yung matindi. Kaya dito, ibinuhos na namin ang puwede naming ibuhos sa effects,” lahad ng award-winning director at content creator.

Kasama rin sa cast ng telemovie sina Paolo Contis bilang Plantsa Man, Chariz Solomon bilang Gumorah, Antonio Aquitania bilang Thorpe, Sef Cadayona bilang Hukay-Ukay, Betong Sumaya bilang Hulkhuban, Kim Domingo bilang Black Panty, Archie Alemania bilang Mang Stan, Boy 2 Quizon bilang Capt. American Tiki Tiki, at Analyn Barro bilang Regyula.

Mapapanood ang part two ng 'The ScAvengers' sa Bubble Gang ngayong Biyernes, November 22, pagkatapos ng One of the Baes sa GMA Telebabad.

Panooring ang buong ulat dito:

WATCH: Sa 24 years ng 'Bubble Gang,' umulit na ba sila ng gags?

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.