What's Hot

EXCLUSIVE: Kyline Alcantara, excited na magbahagi ng pagmamahal sa Pasko

By Maine Aquino
Published November 16, 2019 6:54 PM PHT
Updated December 23, 2019 3:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

David Beckham talks about power of social media, says 'children are allowed to make mistakes'
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Kyline Alcantara during the Christmas Station ID shoot


Ayon kay Kyline Alcantara, ang kantang "Love Shines" ay nagpapakita ng pagmamahal sa kapwa.

Puno pa rin ng saya at excitement si Kyline Alcantara sa pagiging parte ng GMA Christmas Station ID.

Kyline Alcantara
Kyline Alcantara


Kuwento ni Kyline sa GMANetwork.com, iba talaga ang pakiramdam ng Paskong Pinoy. Ganun rin sa pagiging parte ng Christmas Station ID ng Kapuso network.

GMA Christmas Station ID 2019: #LoveShines

"From the last year na kumanta ako, masaya pa rin talaga siya.

"Iba pa rin talaga yung pakiramdam na ngayon lang nagsi-sink in sa sarili ko na Ber months na. Malapit na pala talaga ang Christmas. Malapit na ang season ng pagmamahalan, pagbibigay ng regalo sa isa't-isa."

Para kay Kyline, ang tunay na mensahe ng kantang "Love Shines" na tema ng Christmas Station ID ng GMA Network ay ang pagbabahagi ng pagmamahal sa kapwa.

"Love shining sa ating mundo, sa ating pakikitungo sa ating kapwa and siyempre sa ating puso. Alam ko talaga na it really needs to start from within bago ka makapag-spread ng love or makapag-shine ng love sa ibang tao."

#LoveShines: BTS photos of the 2019 GMA Christmas Station ID shoot

GMA Network's 2019 Christmas Station ID reaches 1 Million views on Facebook