Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Aiai Delas Alas renews contract with GMA

By Jansen Ramos
Updated On: December 23, 2019, 11:54 AM
"Thank you sa GMA. I'm still very, very much a Kapuso," pahayag ni Aiai Delas Alas pagkatapos niyang pumirma muli ng kontrata sa GMA Network.

Nananatiling Kapuso si Comedy Queen Aiai Delas Alas matapos niyang i-renew ang kanyang kontrata sa GMA.

"Thank you sa GMA. I'm still very, very much a Kapuso," pahayag niya sa panayam ng ilang GMA entertainment reporters.

"I'm so happy kasi siyempre madadagdagan na naman 'yung work ko. Makaka-work ko na naman ang ating Kapuso stars and happy ako kasi syempre mabubuhay ko na naman ang pamilya ko ng ilang taon."

Dumalo sa contract signing ng 54-year-old comedienne ngayong Martes, October 29, sina GMA Chairman and CEO Atty. Felipe Gozon, GMA Entertainment Group Head Lilybeth Rasonable, at Asian Artists Agency COO Rowena Salido.

Sa loob ng 30 taon sa showbiz, 16 taon dito ang iginugol ni Aiai sa paggawa ng mga programa sa Kapuso Network at madadagdagan pa ito ng ilang taon.

Sabi niya, "Dito ko nag-start sa GMA sa RSVP, Salo-salo Together. Halos lahat ng noon time show, napasok ko na rito.

"Gusto kong bilangin 'yung nine years ko before, tapos no'ng lumipat at ngayong andito ako. May continuation so pang-13 plus three years, so 16 years.

"Siyempre, magso-soap pa rin ako and Sunday PinaSaya and The Clash, and many, many more and iba pa."

"Asset" kung ilarawan ni Atty. Gozon si Aiai kaya labis niyang ikinakatuwa ang pananatiling Kapuso ng multi-faceted performer.

Pahayag ng GMA exec, "Dito siya nag-umpisa, dito siya sumikat at hanggang ngayon sumisikat s'ya. Para sa 'kin, kahit saan pumunta si Aiai, she will be an asset. At siyempre, natutuwa tayo na hanggang ngayon magkasama pa rin tayo dahil very versatile [niya], kahit sa'n mo ilagay pume-puwede."

Sinang-ayunan naman ni Rasonable ang pahayag ni Atty. Gozon dahil saksi siya sa pamamayagpag ng career ni Aiai sa kahit ano mang larangan.

Sambit ni Rasonable, "Totoo 'yun kasi kilala natin s'ya sa comedy, kilala natin s'ya na nakakapag-host, nakakapag-perform on stage tapos ngayon award-winning actress sa movies. Sa drama, magagamit mo rin sya. So talagang tama si Atty. Gozozn na kahit anong genre kaya n'ya, she will excel."

Aiai Delas Alas, Lovi Poe and Marian Rivera reunite in 'Sunday PinaSaya'

Aiai Delas Alas joins Jennylyn Mercado in MMFF 2019 movie '3pol Trobol: Huli Ka Balbon'

LOOK: Aiai Delas Alas flexes hubby's weight loss

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.