What's Hot

WATCH: 'The Clash' judges at Golden Cañedo, magko-concert sa US

By Cara Emmeline Garcia
Published October 17, 2019 11:03 AM PHT
Updated October 17, 2019 11:33 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Sandiganbayan orders 2 Revilla co-accused sent to QC women’s jail
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



'#All4You: The Clash Concert' is happening on October 19 at the Arcadia Performing Arts Center in Los Angeles, California.

Maliban sa kanilang sunud-sunod na taping, pinaghahandaan rin ng The Clash judges na sina Aiai Delas Alas, Christian Bautista, at Lani Misalucha ang kanilang upcoming concert na may pamagat na “#All4You: The Clash Concert.”

Christian Bautista, Golden Cañedo, Lani Misalucha, at Aiai Delas Alas
Christian Bautista, Golden Cañedo, Lani Misalucha, at Aiai Delas Alas

Hatid ng GMA Pinoy TV, gaganapin ang concert sa Arcadia Performing Arts Center sa Los Angeles, California on October 19.

Makakasama rin ng The Clash panel ang Season 1 Grand Champion na si Golden Cañedo.

We're so excited to see you this weekend, mga Kapuso abroad sa America! 🇺🇸 Pagkatapos ng #All4YouTheClash Concert, Kapuso stars @xtianbautista and @thegoldencanedo will be in San Francisco for a special meet and greet! 📷 That will be on Sunday, Oct. 20, at Seafood City South San Francisco (2PM) and Seafood City Hayward (5PM). This is in partnership with @xfinity. See you there!

A post shared by GMA Pinoy TV (@gmapinoytv) on

Bahagi ni Golden, hinahanda na raw niya ang kanyang sarili lalo na't magkakaroon siya ng duet kasama ang Asia's Nightingale.

“Maiiyak po siguro ako kasi 'pag na-perfect po namin 'yun, ako na po siguro ang magiging pinakamsayang bata sa balat ng mundo.”

Puro papuri naman ang sagot ni Lani sa nasambit ng singer tungkol sa kanya.

Aniya, “I'm really proud of her.

“I hope magpatuloy itong kanyang naumpisahan sa The Clash na ngayon ay kung baga nagfo-flourish na unti-unti ang kanyang career.”

Kung excited sila sa concert, mas excited raw sila sa gaganaping round 2 ng original Pinoy singing competition dahil maglalaban-laban na ang 32 Clashers sa stage.

Ang unang magtatagpo ay ang 17-year-old Davaoeño na si Chan Daniel at ang 30-year-old na si Myrus Apacible ng Cavite

Abangan iyan ngayong Sabado, October 19, pagkatapos ng Pepito Manaloto.

WATCH: Chan Daniel at Myrus Apacible, unang maglalaban sa Round 2 ng 'The Clash'

'The Clash,' itinanghal na Best Talent Search Program ng 2019 PMPC Star Awards for TV