Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

WATCH: Roderick Paulate, aminadong na-miss ang paglabas sa telebisyon

By Cara Emmeline Garcia
Natutuwa raw si Roderick Paulate dahil kahit ang mga bagets ay kilala ang kanyang istilo sa comedy.

Maliban sa paghahatid ng kilig gabi-gabi, inaabangan ng mga manonood ang brand of comedy ni Roderick Paulate sa primetime soap na One of The Baes.

Roderick Paulate
Roderick Paulate

Ngayong balik na siya sa pagpapatawa, aminado ang batikang aktor na isa siya sa mga naging excited sa kanyang pagbabalik telebisyon.

“Ang tagal ko nang 'di ginagawa ito, ha. Ang tagal kong hindi nag-gay role.

“Medyo matagal akong hindi tumatanggap ng ganitong role kasi nagpahinga ako. E, binalik this time!

“Ang sarap nilang makipag-usap in terms of, appreciated nila 'yung craft mo, alam nila 'yung mga body of work mo.

“Kaya siguro 'yun din 'yung nagtulak sa akin na ibigay dito kung ano 'yung magpapasaya sa show.”

Roderick Paulate is happy to return to comedy with GMA Network's 'One of the Baes'

Kahit matagal na sa industriya, masusi pa rin daw niyang pinag-aaralan ang kanyang audience.

“'Yun 'yung nakakatulong! I guess kasi 'pag sinusulat nila 'yung script, parang ginaganahan na ako dahil nakikita ko na 'yung flow kung saan papunta, na magki-click kaming lahat.

“Kahit silang mga bagets pa, alam nila 'yung comedy ko at alam din nila kung ano 'yung magugustuhan ng tao sa akin.”

Maliban sa kanyang comedic talent, tampok din sa romantic-comedy series ang ilang sa kanyang facial expressions, na definitely meme-worthy.

'Walang kupas': Roderick Paulate meme for upcoming GMA show gets 1M views


Panoorin ang ulat ni Luane Dy:


Patuloy na subaybayan si Roderick bilang si Paps Fernandez kasama sina Rita Daniela at Ken Chan sa One of the Baes, gabi-gabi sa GMA Telebabad.

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.