Article Inside Page
Showbiz News
Isang makapigil-hininga na horror movie na pinagbibidahan ni Robin Padilla ang handog ng GMA Films.
Kahapon, March 3, 2009, naganap ang press conference ng latest offering ng GMA films -- Sundo. Ang first Pinoy horror movie ng taon, inaasahang magiging hit na naman ito sa box-office.
From the producers of the critically acclaimed
Ouija, isa na namang makapigil-hiningang movie ang mapapanood starting March 18.
Sundo stars action legend
Robin Padilla,
Sunshine Dizon,
Katrina Halili, Mark Bautista,
Hero Angeles and
Rhian Ramos.

The story guarantees to blow your mind with its cutting-edge visual effects and world class cinematography. Kaya naman sa press launch ng nasabing pelikula, full force and cast at production ng
Sundo upang ipagmalaki ang first Pinoy horror film ng taon.
"Salamat ulit sa pagdating ninyo dito sa presscon and we are very happy na ang
Sundo ang magiging first Pinoy Horror offering ng 2009. So we are very proud of the movie. Talagang pinaghirapan, pinaganda, pati 'yung sound, hanggang ngayon tina-trabaho pa rin para mabigyan ng isang nakakatakot at napakagandang horror film to start off the year," ang paunang bati ni Ms. Annette Gozon-Abrogar, ang president ng GMA Films.
The story takes after the age-old legend na sinusundo ng mga sumakabilang buhay na kamag-anak o kaibigan ang mga malapit nang mamatay. Tiyak na pag-iisipan ng mga manonood ng pelikula kung totoo ngang may
Sundo.
"Matandang paniniwala na ang 'sundo,' hindi lang Pilipino ang naniniwala diyan kung ‘di iba’t ibang nation at iyan ay sinususugan din ng iba’t ibang relihiyon na talagang sa araw ng kamatayan mo may susundo sa iyo," ang pahayag ni Robin Padilla na halatang very proud sa kinalabasan ng kanilang pelikula.
Ang mga members ng media na naka-attend sa presscon ay napatunayan na totoo ngang hair-raising ang mga scenes at makapigil-hininga ang mga ipinakitang clip na dinirehe ng premyadong suspense-thriller director, Toppel Lee.
Kaya naman huwag palampasin ang
Sundo which will open on March 18 in theaters nationwide. --
Text by Loretta G. Ramirez, Photos by Mitch S. Mauricio
Naniniwala ba kayo sa
Sundo? Talk about this topic sa
iGMA forums.
Maari mo ring hingan ng update si Robin about his latest movie through his Fanatxt service. Just text ROBIN to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50. (This service is exclusive for Smart and Talk 'N Text subscribers in the Philippines only.)