Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

WATCH: SB19's 'Go Up' music video, mahigit 1M views na!

By Cara Emmeline Garcia
Inanunsyo ng grupo ang big milestone sa kanilang career sa kanilang official Facebook page kung saan pinasalamatan din nila ang kanilang fans.

Umani na ng one million views ang music video ng Pinoy Pop music group ng SB19 sa YouTube!

Inanunsyo ng grupo ang big milestone na ito sa kanilang official Facebook page kung saan pinasalamatan nila ang kanilang fans.

Anila, “Mula sa kailalim-laliman ng aming puso, gusto po namin magpasalamat sa lahat ng sumusuporta sa aming musika.

“Sana po patuloy natin suportahan ang musikang Pilipino. Thank you po ulit! From now on, we will go nowhere but up!”

Ang kantang “Go Up” ay ang second single ng SB19 at isinulat ito ng bawat miyembro ng grupo.

Ang SB19 ay ang kauna-unahang Filipino idol group under Korean entertainment company ShowBT at binubuo ito nina Justin, Josh, Sejun, Ken, at Stell

Panoorin ang buong ulat ni Luane Dy:

Boyband SB19 promotes OPM mixed with K-Pop

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.