Janine Gutierrez surprised over 'Dagsin' being shortlisted as PHL entry to Oscars 2020
Hindi makapaniwala si Janine Gutierrez nang malamang isa sa mga pinagpipiliang pelikula ang Dagsin bilang Philippine entry sa prestihiyosong Academy Awards o Oscars sa 2020.
Ang Dagsin ay isang period film na pinagbidahan nila ni Benjamin Alves.
WATCH: Janine Gutierrez and Benjamin Alves' period indie film "Dagsin"
Sa panayam ng GMANetwork.com kay Janine kahapon, September 5, sinabi niyang hindi niya inaasahang mapapasama ang Dagsin sa shortlist ng Film Academy of the Philippines (FAP) dahil tatlong taon na ang nakalilipas matapos itong ipalabas.
Saad ng Kapuso actress, "Super surprised kasi, actually, we made that film in 2016 pa, so parang kami ni Ben, 'Totoo ba to?'
"Palagi kasi kami nagme-message-an ni Ben kapag nakakakita kami ng bagong balita tungkol sa film na 'yun kasi umikot s'ya sa iba't ibang festival, sa iba't bang bansa."
Diin pa niya, "I'm so happy kasi unexpected siya, but hoping for the best."
Wala pang desisyon ang FAP tungkol sa pambato ng bansa sa Oscars. Gayunpaman, super proud si Janine sa itinakbo ng Dagsin.
Kamakailan lang ay ipinost niya ang screenshot ng isang article ng American digital magazine na The Hollywood Reporter tungkol sa Dagsin bilang potential entry sa International Feature Film category ng Oscars.
Sulat ng 29-year-old actress, "Don't really post articles but proud little moment for our @cinemalaya film to be in the running and to be featured here.
"I'm behind whoever gets chosen. GO PHILIPPINES!!"
Ang Dagsin ay tungkol sa kwento ng pag-iibigan nina Justino at Corazon noong panahon ng pananakop ng mga Hapon at Martial Law.
Nanalo ito bilang best narrative feature sa The World's Independent Film Festival sa San Francisco, California noong 2017, at bilang Centerpiece Film sa Guam International Film Festival 2017.
Nakapag-uwi rin ang indie film ng limang award mula sa Urduja Heritage Film Festival 2017. Kabilang riyan ang Best Heritage Film at Best Director.
Nakasama nina Janine at Ben sa Dagsin sina Lotlot de Leon, Tommy Abuel, Sue Pardo, Marita Zobel, at Alex Diaz.
Ang Dagsin ay Idinerehe ni Atom Magadia.