WATCH: GMA Executives, todo-papuri kay Alden Richards
Puro papuri at paghanga ang sinambit ng iba't ibang executives ng GMA Network sa pag-renew ng kontrata ni Asia's Multimedia Star Alden Richards sa Kapuso network kahapon, September 3.
Nasa contract signing sina GMA Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon, President and COO Gilberto Duavit Jr., EVP and CFO Felipe Yalong, SVP for Entertainment Group Lilybeth Rasonable at SAVP for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara.
Ani Gilberto Duavit Jr., “Si Alden he's always been a very dedicated, loyal, and committed individual kung kaya naman tayong lahat ay nasisiyahan na patuloy siyang Kapuso.”
Dagdag pa nila, ang pagpapakumbaba ni Alden ang isa sa hinahangaang ugali nila sa aktor kung kaya't hindi sila masosorpresa sa mararating nito sa hinaharap.
Sambit ni Atty. Felipe L. Gozon, “Alam mo yang si Alden kahit sikat na sikat na ay humble pa rin. So, sa tingin natin malayo pa rin ang mararating niyan.”
Ani Gigi Santiago-Lara, “He likes to give back to everyone na napapasaya niya--yung fans niya, yung mga sumusuporta sa kanya. 'Yun 'yung sa tingin kong importante na kakaiba sa kanya.”
JUST IN: Alden Richards renews contract with GMA Network
Minahal ng mga manonood si Alden sa kanyang iba't ibang ginampanang role sa telebisyon at sa pagiging phenomenal half ng AlDub.
Ngayon, sasabak si Alden sa bagong drama series na The Gift, kung saan gaganapin niya ang karakter na si Josep isang guwapo at mabait na manininda sa Divisoria na kalaunang mabubulag dahil sa isang hindi inaasahang insidente.
Mapapanood ang pagbabalik primetime ni Alden ngayong Setyembre sa GMA Telebabad.
Panoorin ang buong chika ni Nelson Canlas:
IN PHOTOS: Alden Richards renews ties with GMA Network
Alden Richards believes his purpose in life is to inspire others through his craft