
Ngayong binansagan nang “Asia's Multimedia Star” si Kapuso actor Alden Richards, umamin ito na mas ginagawa niya itong motibasyon para pagbutihin pa ang sarili.
Sa panayam ni 24 Oras reporter Nelson Canlas, minamabuti raw ni Alden na patunayan sa kanyang sarili na karapat-dapat siyang mabansagan nito.
Aniya, “Ito nga na nagkakaroon tayo ng recognition unti-unti sa international award giving bodies, doon ko na realize na talagang mayroon pa akong pwedeng magawa.
“Ginagamit ko itong awards na ito to motivate myself at sinasabi ko sa sarili ko na, 'patunayan mo that you deserve it.'”
Sa halos isang dekada niya sa showbiz, umamin ang aktor na iisa lang ang prinsipyong gumagabay sa kanyang career.
“I consider myself as an actor and not a celebrity because there's a huge difference [between the two].
“I don't do this for fame,” pagtapos ni Alden.
Panoorin ang buong chika ni Nelson Canlas:
IN PHOTOS: Alden Richards renews ties with GMA Network
JUST IN: Alden Richards renews contract with GMA Network