
Makakasama mamaya, August 26, si Nar Cabico sa pagbubukas ng 2019 Cinespectra Film Festival.
Sa event na ito ipapalabas ang 10 short, locally produced films. Kabilang na dito ang pelikula ni Nar na Doon sa Isang Sulok.
Ayon sa post ni Nar, "Aaa look at my castmates, what a delicious bunch! Premiering tonight at the 1st Cinespektra Film Festival. See you at Trinoma cinema 430PM"
Ang CineSpectra Film Festival ay naglalayon na ipakita ang mga kuwento na nagbibigay ng challenge sa perception at magbukas ng mga mata ng mga Pilipino tungkol sa usaping HIV at AIDS.
Ang CineSpectra Film Festival screening ay gaganapin ngayong August 26, 5:00 p.m. sa TriNoma Cinema.