Filtered By: Showbiz News | News
WATCH: Ryzza Mae Dizon, hindi napigilang umiyak matapos panoorin si Alden Richards sa 'Hello, Love, Goodbye'
Published On: August 2, 2019, 02:34 PM
Hindi napigilan ni Ryzza Mae Dizon ang maging emosyonal matapos mapanood ang pelikula ng kaniyang 'Eat Bulaga' co-host na si Alden Richards. "[Kuya] Alden ang galing mo!"
Hindi napigilan ni Ryzza Mae Dizon ang pag-iyak matapos niyang mapanood ang pelikula ng kaniyang Eat Bulaga co-host na si Alden Richards at ni Kathryn Bernardo na 'Hello, Love, Goodbye.'
Sa video na ibinahagi ni Ryzza sa kanyang Instagram, makikitang umiiyak siya mula sa loob ng sinehan hanggang paglabas niya.
"[Kuya] Alden ang galing mo. Ate Kathryn, ang galing niyong lahat. Ang galing galing nila, panoorin niyo yung 'Hello, Love, Goodbye,' ani Ryzza habang umiiyak.
IN PHOTOS: At the premiere night of 'Hello, Love, Goodbye'
Nag-comment naman ang mga kasama nina Alden at Kathryn sa pelikula na sina Lovely Abella, Kakai Bautista, at Maymay Entrata at tuwang-tuwa sila na nagustuhan ni Ryzza ang kanilang pelikula.
Trending Articles