WATCH: Eddie Garcia, inalala ng mga kaanak at kaibigan sa showbiz sa ika-40 araw ng kaniyang pagpanaw
Inalala ang yumaong beteranong aktor na si Eddie “Manoy” Garcia sa ika-40 araw ng kanyang pagpanaw kahapon, July 31.
Sa misang naganap, makikita sa mga mata ng kaanak at kaibigan ng aktor ang lungkot na nararamdaman nang yumao ito noong June 20.
Kasama sa mga dumalo ay sina GMA Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon, GMA SVP and Entertainment Group Head Lilybeth Rasonable, GMA Entertainment TV VP for Drama Redgie Magno, Mother Lily Monteverde, Boots Anson-Roa, Robin Padilla, Susan Roces, Laurice Guillen, at Ricky Davao.
Nagbigay ng pahayag at humarap sa media si Cong. Mikee Romero, ang anak ng longtime partner ni Manoy na si Lilibeth Romero.
Aniya, bagamat nagdadalamhati raw ang kanilang pamilya, sisiguraduhin nilang 'di malilimutan si Garcia sa pamamagitan ng pagdo-donate ng mga gamit nito sa isang museum.
Aniya, “Place it na lang sa National Museum or any museum para intact--including the clothes and everything.”
Plano rin niyang magsulong ng panukalang batas para sa proteksyon ng mga nasa movie industry na kung makakapasa ay tatawagin raw niyang “Eddie Garcia Law.”
Panoorin ang buong ulat ni Sandra Aguinaldo:
READ: GMA Network statement on medical issue about Eddie Garcia
Eddie Garcia wishes to be cremated when he dies, family member says