Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

'Pepito Manaloto' stars, aktibo rin sa pag-promote ng 'Family History'

By Aedrianne Acar
Buo ang suporta ng cast ng 'Pepito Manaloto' para sa 'Family History,' ang unang pelikula na idinerehe ni Michael V.

Mapa-on-screen o off-screen, one big happy family ang buong cast ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.

EXCLUSIVE: Jemwell Ventinilla, karangalan daw makatrabaho sina Michael V. at Dawn Zulueta

Kaya ramdam na ramdam naman ng 'Family History' lead star at creative director na si Michael V. ang 101% support ng kanyang 'Pepito Manaloto' family.

Sa Instagram post ni Manilyn Reynes, inaanyayahan niya ang kanyang mga followers na manood sa comeback film na ito ni Bitoy. Gumaganap si Manilyn bilang si Elsa sa Pepito Manaloto na mabuting maybahay ni Pepito, ang karakter na ginagampanan ni Bitoy.

Saad niya, “Sa JULY 24 na po!!! Suportahan po natin ang pelikulang ito

“Isama niyo rin po ang mga mahal niyo sa buhay ha. Salamat po. #FamilyHistoryMovie @gmapictures #mictestentertainmentinc”

Aktibo din sa pag-promote ng 'Family History' ang mainstay sa Pepito Manaloto na sina John Feir at Arthur Solinap.

Tunghayan ang mahusay na pagganap ng multi-awarded comedian at content creator na si Michael V. sa 'Family History' showing nationwide on July 24.

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.