
Looking chic and fabulous si Kapuso actress Lovi Poe sa kaniyang back-to-back travels sa United States, United Kingdom, at Italy.
Sa kaniyang Instagram, ipinakita ng Kapuso actress ang kaniyang chic outfits sa iba't ibang parte ng mundo lalung-lalo na sa pagbisita niya sa Capri, Italy at sa Ascot, Berkshire sa Inglatera.
Pero ang mas napansin ng netizens sa kaniyang 6-month long trip abroad ay ang kaniyang date sa naganap na racing competiton sa Ascot.
Sa kaniyang posts, kasama niya si Monty Blencowe na isang British film producer na naka-base sa Los Angeles, California.
Kaya ang tanong ng karamihan, siya na ba ang bagong love life ni Lovi Poe?
Sa ulat ni 24 Oras reporter Cata Tibayan, tumanggi muna ang aktres na magbigay nang detalye ukol sa kaniyang love life.
“I really want to keep that part of my life private,” patawang sagot nito.
“But he's a great guy. Let's just say that being away from home wasn't that tough cause he was around.”
LOOK: Lovi Poe is a vision in floral dress as she attended Royal Ascot with rumored boyfriend
Maliban sa pagta-travel, kumuha rin ng acting classes si Lovi at balak raw niyang gamitin ito sa mga susunod na proyekto niya sa network.
Aniya, “I took acting classes, I took drama as well, tapos meron din akong acting coach.
“Marami akong natutunan so ready na akong gamitin 'yung mga natutunan ko and ready na akong i-apply 'yun sa mga susunod kong teleseryes.”
Panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan:
LOOK: Lovi Poe celebrates 30th birthday in Malibu, California
IN PHOTOS: Lovi Poe is our fitspiration