EXCLUSIVE: Derrick Monasterio, todo na ang preparasyon para sa 'Rak of Aegis' Season 7
Opisyal nang binuksan ang Rak of Aegis Season 7 noong Biyernes, July 5, kung saan nag-perform ang ilan sa original cast members ng hit Pinoy musical tulad ni Kapuso star Aicelle Santos.
Aicelle Santos on having Derrick Monasterio in 'Rak of Aegis': "He has this brilliant voice"
Bilang bagong miyembro ng cast, nagpakita ng suporta si Derrick sa batikan niyang co-stars sa panonood ng opening show sa PETA Theater Center.
Ayon sa Kapuso hunk, masaya at excited daw siya na nagsimula na ang bagong season ng Rak of Aegis. Habang hinihintay ang kanyang first show na gaganapin sa July 12, tinotodo na raw niya ang kanyang preparasyon sa pagganap sa role ni Tolits.
Derrick Monasterio to portray Tolits in 'Rak of Aegis' Season 7
"Last week almost every day kami nagre-rehearse, 2:00 p.m. to 10:00 p.m. Nakakapagod pero masaya," pahayag niya.
Bukod sa rehearsals, hinahasa rin daw ni Derrick ang kanyang breathing sa pamamagitan ng cardio workout. Naka-focus din siya sa pag-aalaga ng kanyang boses. Saad niya, "Maaga na ako natutulog ngayon. And paggising [ko] vocalize talaga. Hindi na rin ako masyadong nagso-soda at nagmamalamig na tubig."
Samantala, dahil first professional musical play ito ni Derrick, hindi maitatanggi ng aktor ang kaibahan nito sa nakasanayan niyang acting sa telebisyon.
"Live acting, walang take two. Kapag nakalimutan mo, patay.
"Nangyari sa 'kin sa run through nakalimutan ko 'yung lines eh. Wala talaga, kailangan mong gumawa ng paraan para makalusot. Ad-lib na lang or sasaluhin ka ng mga kaeksena mo," paliwanag niya.
Noel Cabangon on Derrick Monasterio's theater career: "Ma-cha-challenge s'ya rito"
Ano kaya ang gagawin ni Derrick bago sumalang sa stage? "Hinga lang nang malalim ng maraming beses tapos magdasal. Tsaka magtiwala ka sa kakayahan mo," sagot niya.
Panoorin ang first show ni Derrick sa Rak of Aegis Season 7 sa July 12, 8:00 p.m. sa PETA Theater Center.