WATCH: Ian Veneracion has no problem with revealing clothes
Wala raw problema ang aktor na si Ian Veneracion sa pagsusuot ng revealing clothes ng mga babae.
Natanong kasi siya tungkol dito sa isang game sa programang Tonight With Arnold Clavio.
"Some women are comfortable with their bodies.
“Hindi naman pwedeng ija-judge mo kagad kasi 'Ay maikli ang suot. Siguro ganito 'to. Siguro ganyan.'
“Kasama 'yan sa empowerment ng mga babae--that you can dress the way you want to," pahayag ni Ian.
Wala rin daw siyang problema sa idea ng mga stay-at-home dad habang ang asawa nila ang nagtatrabaho.
"Katulad noon, 'yung pagiging housewife, hindi madli 'yun, ah.
“So 'yung magiging househusband, kung nagkabaliktad sila, hindi rin madali 'yun.
“'Houseband,' hindi rin madali 'yun. Depende na sa usapan nila 'yun," aniya.
Alamin kung ano pa ang pogi points at pogi problems para sa kanya sa feature na ito mula sa Tonight With Arnold Clavio: