Wish Ko Lang: 'Barangay Never Say Die!'
Tinaguriang basketball country raw ang Pilipinas dahil sa hilig ng mga pinoy sa larong ito!
Sa bawat kanto yata ay may makikitang basketball court at tuwing may laban ang ating paboritong koponan, lumalabas ang ibang klaseng pagmamahal natin sa
sports na ito!
Lalo na kung usapang PBA na, nayayanig ang buong bansa kapag Barangay Ginebra na ang nasa hardcourt. Tila nagiging kabarangay nga raw nila halos ang buong Pilipinas!
Gaya ng dalawang pamilyang ultimate die-hard Barangay Ginebra fanatics na itatampok sa Wish Ko Lang:
Ang isang pamilya, nagiging official family day daw tuwing may game ang Ginebra. Mula sa tatay hanggang sa apo, nakatutok sa laro!
Ito namang isang mag-anak na broken family, hindi lang naging bonding ang basketball, naging daan ito para mapagbuklod ang anak sa kanyang bagong tatay.
Ano kaya ang mangyayari kung ang die-hard fans na ito… makaka-one-on-one ang buong Ginebra team? Maka-high five at fist bump nila mismo ang kanilang mga idolo at makakapanood live ng kanilang laro!
Tunghayan din ang biyahe ng “Wheels Ko Lang” -- isang umaarangkadang pampasaya na mamimigay ng sari-saring regalo sa ating mga Kapuso. Baka sa barangay niyo na ang susunod!
Abangan ang mas pinasaya at mas pina-exciting na Wish Ko Lang ngayong Sabado.
Sa loob ng 16 years, tuloy-tuloy ang pagbibigay ng saya at tunay na serbisyong totoo sa ating
mga Kapuso! Hosted by Vicky Morales, Wish Ko Lang pagkatapos ng Tadhana sa
GMA-7.