
Sa pakikipagkulitan ni Kapuso Millennial It Girl at global endorser Gabbi Garcia sa Kapuso ArtisTambayan, sinagot niya ang tanong nina Joyce Pring at Andre Lagdameo kung paano niya binabalanse ang kanyang oras.
Bukod kasi sa pagiging busy ni Gabbi sa kanyang showbiz commitments, abala rin siya sa pagwo-work out at pagpunta sa mga event.
"I really wanted an organized schedule. So before the month starts, I really want a calendar na nakalatag," tip ni Gabbi.
Pag-amin ni Gabbi, mayroon siyang malaking white board sa kanyang kuwarto kung saan nakikita niya ang kanyang mga gagawin sa buwan na iyon.
"I just see to it na before the week starts, naka-condition na 'yung utak ko na, 'Okay, this is my week. I have this amount of free time, I have this amount of work. Okay, so if I want to do this, kailangan mapagkasya ko ito, ito, ito," saad ni Gabbi.
Sinagot din ni Gabbi ang tanong nina Joyce at Andre kung totoo bang magkakaroon siya ng international project.
Alamin ang sagot ni Gabbi sa video na ito: