#TRIVIA: Mga artista at ang kanilang sikat na lolo at lola
Tila nasa dugo ang kanilang pag-aartista! Kilalanin ang mga celebrities at ang kanilang sikat na lolo at lola.
Janine Gutierrez
Maituturing na showbiz royalty si Janine Gutierrez dahil puro mga sikat din ang kanyang mga lolo at lola.
Eddie Gutierrez and Pilita Corrales
Paternal grandparents ni Janine sina Eddie Gutierrez at Pilita Corrales. 1950s nang sumikat si Eddie bilang aktor, habang si Pilita ay kilala bilang Asia’s Queen of Songs.
Christopher de Leon and Nora Aunor
Apo naman nina Christopher de Leon at Nora Aunor si Janine sa kanilang inampon na anak na si Lotlot de Leon. Isang batikang drama actor si Christopher at si Nora naman ang tinaguriang Superstar.
Dolphy
Maaaring namana naman ni Boy 2 ang pagpapatawa sa kanyang Lolo Dolphy na kinikilalang King of Comedy.
Magalonas
Ang Magalona siblings na sina Maxene, Frank, Saab at Elmo ay mayroon ding artistang lolo at lola, sina Pancho Magalona at Tita Duran.
Pancho Magalona and Tita Duran
Sina Pancho at Tita ang pinakasikat na love team sa pinilakang tabing noong 1940s at 1950s. Itinuring silang ehempolo ng mabuting buhay mag-asawa sa pelikula at sa totoong buhay.
Carla Abellana
Namana ni Carla Abellana ang kanyang ganda at husay sa pag-arte sa kanyang lola na si Delia Razon.
Paquito Diaz
Si Kiko ay apo ng veteran actor at director na si Paquito Diaz. Mas kilala si Paquito sa kanyang pagganap bilang kontrabida o kaya naman ka-eksena ang kanyang matalik na kaibigan na si Fernando Poe, Jr.
Lovi Poe
Marami ang nagmamasid kay Lovi Poe dahil dala-dala niya ang apelyido ng kanyang ama at lolo sa larangan ng pag-aartista.
Fernando Poe Sr.
Si Fernando Poe Sr. ang lolo ni Lovi. Kabilang siya sa mga sikat na movie stars bago ang World War II. Idinirehe rin niya ang unang Darna film noong 1951 bago siya pumanaw sa parehong taon.