
Nagkuwento si 'Sexy Hipon' Herlene Budol tungkol sa kanyang buhay-pag-ibig sa June 20 episode ng Wowowin.
Malapit na daw mag-sampung buwan si Herlene at ang kanyang nobyo na nakilala niya sa isang dating app. Sa pagbahagi niya ng kanyang love life sa Kapuso variety game siya, naikuwento rin niya kung paano sila mag-date.
IN PHOTOS: Kilalanin ang Wowowin 'Sexy Hipon' na si Herlene
Ani Herlene, “Sabi niya 'Give and take. Pag naglabas ako, maglabas ka rin."
Dugtong din niya na kapag naka-LL o naka-"luwag-luwag" sila, “Pag ako naka-LL, libre ko. Pag siya naka-LL, libre niya. Kapag parehas kaming gipitan, 'Oh, maglabas tayong dalawa.'”
Bihira lang daw sila magkita ng kanyang nobyo ngunit supportive naman ito sa kanya sa pagpasok niya sa Wowowin. Wika rin ni Herlene, hindi raw niya hihiwalayan ang kanyang nobyo.
WATCH: 'Sexy Hipon' Herlene, emosyonal sa pagiging co-host ni Willie Revillame
“Minsan lang ako nakakabulag, lubos-lubusin ko na,” patawa niyang hirit.
Paano kaya sila maglambingan? Panoorin: