Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

WATCH: Snooky Serna, binalikan ang rivalry nila ni Maricel Soriano

By Marah Ruiz
Updated On: June 22, 2019, 03:00 PM
Binalikan ni Snooky Serna ang kanilang "rivalry" ni Maricel Soriano noong '80s.

Ika-50 taon na sa showbiz ng beterang aktres na si Snooky Serna.

Snooky Serna
Snooky Serna


Sumikat siya noong '70s bilang isang childstar. Sa katunayan, halos 3 years old lang siya sa kanyang unang pelikula na Wanted: Perfect Mother.

Lalo pa siyang sumikat bilang isang teen star noong '80s nang mapabilang siya sa tinaguriang Regal Babies o mga young stars na bumida at sumikat sa mga pelikula ng Regal Films.

Fourteen years old lang siya nang mapasama sa pelikulang School Girls noong 1982. Co-stars niya rito sina Maricel Soriano at Dina Bonnevie.

Inalala din niya ang kanilang "rivalry" ni Maricel.

"Si Maricel Soriano ang tinatapat [sa akin]. Pinaglalaban kami which was ironic kasi si Maricel 'yung closest sa akin tapos kami pa 'yung pinagtapat," bahagi ni Snooky.

Hindi rin daw niya makakalimutan ang pelikula niyang Blusang Itim na lumabas noong 1986.

"That time, nakakatuwa. Every time I would meet a person or mage-guest ako sa isang TV show, parang nag-stick na sa kanila 'yung 'Blusang Itim' ko. Even up to this day, sasabihin nila, 'Nasan na po 'yung blusang itim niyo? Buhay pa ba?'" kuwento niya.

Panoorin ang interview ni Rhea Santos kay Snooky sa feature na ito ng Tunay Na Buhay:


Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.