Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Eddie Garcia's death sends celebrities into mourning

By Nherz Almo
Updated On: June 20, 2019, 11:58 PM
“Maraming salamat po, Mr. Eddie Garcia.”

Lubos na nagluluksa ang Philippines showbiz sa pagpanaw ng multi-awarded actor-director na si Eddie Garcia ngayon, June 20.

Ilang sandali matapos lumabas ang medical bulletin na nagkukumpirma ng kanyang pagkamatay, bumuhos ang mga mensahe ng pagdadalamhati mula sa mga kaibigan at mga nakatrabahong artista ng veteran actor.

“My heart is broken,” ani Megastar Sharon Cuneta tungkol sa kanyang naging unang 'daddy' sa showbiz.

Sinabi rin niya, “Maraming salamat po, Mr. Eddie Garcia.

“Walang sinuman sa showbiz ngayon o kahit sa mga ipanganganak pa ang puedeng umupo sa tronong iniwan ninyo.”

Bukod sa pagiging co-star, si Eddie rin ang nagsilbing director na ilang mga naunang pelikula ni Sharon.

I just saw this...My dear God, it is so hard to accept this...I love you, my Direk, my Tito Eddie...Thank you for all that you gave me, us...It is truly the end of an era. Hindi na maaaring ibalik ang napakaganda at kagalang-galang na kagandahan ng showbiz noon...Kokonti na lang ang mga artistang “old school” na napakalaki ng kontribusyon sa industriya at sa puso ng bawat Pilipino, at marunong trumato ng katrabaho ng tama, sikat man o “maliliit” ang tingin sa trabaho nila pero malaki naman talaga ang naibibigay sa ating mga artista. Maraming salamat po, Mr. Eddie Garcia. Walang sinuman sa showbiz ngayon o kahit sa mga ipanganganak pa ang puedeng umupo sa tronong iniwan ninyo...Mahal na mahal ko po kayo...May you rest in God's arms and we, those who have had the privilege of working with you, shall remember all that you stand for, and do our best to keep your legacy alive, because you have made us all a part of it...💔💔💔 My heart is broken...

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta) on

Halos ganito rin ang sinabi ni Bela Padilla para sa kanyang pagbibigay-pugay sa pumanaw na aktor.

Aniya, “We lost an icon today. This is truly heartbreaking.”

Tila nakiisa naman daw ang panahon sa pagdadalamhati, ayon kina Maine Mendoza at Jasmine Curtis-Smith.

“TRULY A LEGEND!” naman ang pagsasalarawan ni Paulo Avelino kay Eddie, na kilala sa bilang 'Manoy' sa showbiz.

Narito ang ilang pang mga mensahe ng pagdadalamhati ng mga artista at ilang pang personalidad sa showbiz:

rest in peace idol #eddiegarcia 🙏🙏

A post shared by gardo versoza (@gardo_versoza) on

Rest In Peace Tito Eddie.. Maraming Salamat Po..

A post shared by gabbyeigenmann (@gabbyeigenmann) on

Salamat tito Eddie. Paalam Manoy

A post shared by Jose_Liwanag (@jose_liwanag) on

Rest In Peace po, Tito Eddie.

A post shared by B E N J A M I N alves (@benxalves) on

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.