LOOK: Klea Pineda's transformation from StarStruck Ultimate Female Survivor to full-fledged artista!
In December 2015, itinanghal na Ultimate Female Survivor si Klea Pineda noong sumali siya sa 'StarStruck' Season 6. Tingnan ang transformation ni Klea mula sa pagiging isang artista hopeful to becoming a full-fledged artista sa gallery na ito.
Klea Pineda
Here is Klea Pineda on the night she was crowned as 'StarStruck's' Ultimate Female Survivor on December 19, 2015
Baby Klea
Born on March 19, 1999, Young Klea was originally from Arayat, Pampanga but was raised in Caloocan City.
Young Klea
Simula pagkabata, matagal nang pinangarap ni Klea na maging isang beauty queen.
"Para sa akin, gusto ko din maging Beauty Queen kagaya na lang ni Ms. Universe Pia Wurtzbach and Ms. World Megan Young. Sobrang pinapangarap ko din 'yan noon pa. Ang nauna lang natupad ay ang pagiging artista ko. Bata pa lang din ako sumasali na ako sa mga beauty pageants, kaya ngayong artista na ako, focus muna ako sa pag a-artista and then kapag tumagal na, tsaka naman ako sasali sa mga beauty pageants." - Klea Pineda
Klea's Papang
Bago sumali ng 'StarStruck' si Klea, pumanaw ang kaniyang lolo na madalas niyang tawaging "Papang." Pinanghuhugutan niya ng lakas ang karanasang ito upang pagbutihin ang kaniyang trabaho.
Before StarStruck
Look at these photos of Klea before joining 'StarStruck!' She definitely has the looks to make it to the top.
KoLeRa
While in 'StarStruck,' she became close to her fellow artista hopefuls, Koreen Medina and Ayra Mariano. They dubbed themselves as "KoLeRa."
Klea as Ariana Grande
Ayon kay Klea, kahit alam niya kung gaano kahirap ang kaniyang pinagdaanan nang sumali siya sa 'StarStruck,' sasali ulit siya dito if given the chance.
"Of course! Kung may chance na sumali ulit, why not? Sa 'StarStruck' kasi madami ka talagang matututunan. Magmula sa pagiging disiplinado mo sa calltime, sa pakikitungo mo sa mga taong nakapaligid sayo, lalo na sa pag-arte, 'yun ang kailangan talaga dito sa industriyang ito. May mga directors and mentors na magtuturo sayo sa StarStruck kung paano maging magaling na actor. Itatama nila ang mga maling ginagawa mo, magjujudge sila or magcocomment sa craft na ginawa mo. Kaya masaya din ang pagsali sa StarStruck dahil marami ka talagang matututunan." - Klea Pineda
Klea's winnings
Aside from an exclusive five-year contract with GMA, some of her prizes include P1 million in cash and a house and lot.
Klea hits the gym
Another prize from winning 'StarStruck' is being guaranteed a spot in the remake of 'Encantadia' 2016. She's been hitting the gym nonstop to prepare for her role!
"Dahil kasama kami ni Migo sa Encantadia, may mga tapings kami para sa paghahanda doon. Nagka-workshops pa nga ako noon sa acting after 'Starstruck.' May mga mall tours din kami para sa promotion ng Encantadia 2016." - Klea Pineda
Klea's life after StarStruck
Ayon kay Klea, nagbago talaga ang kaniyang lifestyle simula nang tanghalin siyang Ultimate Female Survivor.
"Noon normal life lang, pwedeng mag-commute, mag-jeep, mag-tricycle, as in lahat ng pang-public pwede. Pero now, bawal na. Akala ko pangarap na lang ang maging artista ako pero no, dreams really do come true. Dati, isa ako sa nangungulit sa artistang gusto namin pansinin kami, pero ngayon isa na ako sa artistang iniidolo. Masayang-masaya ako sa pagbabagong nangyari sa buhay ko at buhay namin ng family ko. Natutuwa naman sila sa akin dahil natupad yung pinakapinapangarap ko sa buhay kaya nagpapasalamat talaga ako kay Lord dahil binigay niya itong blessing na ito sa akin." - Klea Pineda