Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Iza Calzado regrets missing final cut Emmy Awards

Updated On: September 8, 2020, 04:41 PM
Iza Calzado was nearly nominated for an International Emmy Award for her role in Joaquin Bordado.
Huminto pala ang mundo ni Iza Calzado nang una niyang nalaman na muntik na siyang makasali sa final list ng nominees for Best Actress ng International Emmy Awards para sa pagganap niya sa "Joaquin Bordado." Pero itinuturing pa rin niyang isang malaking achievement iyon na kahit papaano ay napansin siya ng mga hurado. Kaya hindi naman siya nalungkot nang hindi siya maging nominado sa prestihiyosong international award-giving body. More on panghihinayang ang naramdaman niya nang hindi natupad ang muntik na sana niyang pagkakapasok sa International Emmy Awards. "Sabi ko, maybe it's not yet time. Alam mo si God naman, alam Niya kung kailan at kung ano ang ibibigay Niya sa 'yo," nakangiting saad ng aktres nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). ON ROBIN PADILLA. Speaking of Joaquin Bordado, ang leading man dati ni Iza sa naturang show na si Robin Padilla ay si Regine Velasquez naman ang makakapareha sa upcoming GMA-7 primetime series na Totoy Bato. Para kay Iza, walang ibang nababagay sa role kundi ang Asia's Songbird. Papel kasi ng isang sikat na female singer ang gagampanan ng bidang babae sa Totoy Bato. "So I think she really fits the role perfectly," saad ni Iza. starsKahit nag-click naman sila noon ni Binoe as onscreen partners sa Joaquin Bordado, hindi hinangad ni Iza na sa Totoy Bato ay siya rin ang kapareha ni Binoe. "Kahit naman mag-voice lessons ako nang todo... I mean I can probably learn to sing, but not enough para maging convincing na ako yung pinakamagaling kumanta na puwedeng maging diva talaga," sabi ni Iza. Kung si Iza ang tatanungin, ang gusto niya na maging next project nila ni Binoe ay isang pelikula naman. Nakagawa na sila dati ng isang indie movie, ang Blackout, pero hindi sila magkapareha. Bagamat kasama rin si Iza sa horror film ni Robin sa GMA Films na Sundo, cameo role lang ang gagampanan ng aktres dito. Ang talagang kasama ni Robin sa Sundo ay sina Sunshine Dizon , Katrina Halili , at Rhian Ramos . IZA IN OBRA. Ang latest project ni Iza sa GMA-7 ang kanyang month-long stint sa Obra Presents Iza Calzado. For the whole month of November, si Iza ang mapapanood sa naturang drama show na nagtampok na sa mga nakaraang buwan kina Katrina Halili, JC de Vera , at Sunshine Dizon. Happy si Iza na nabigyan siya ng pagkakataon to star in Obra at excited ang aktres dahil may mga magagawa siya sa show na hindi pa niya nagawa before bilang artista. Isa na rito ay ang paglabas sa isang comedy episode at ang paglabas bilang isang boksingera sa isang may pagka-Million Dollar Baby na istorya. Ang unang episode ni Iza ay horror, ang "Sapi." Makakasama niya rito sina Ian de Leon at Rommel Padilla. Guest din si Isabel Granada, na kasama rin ni Iza sa La Lola , kung saan gumaganap sila bilang magkapatid na babaylan. Hindi na mangangapa si Iza rito dahil ginawa na niya ang "manakot" sa telebisyon via her show dati na E.S.P. Maging sa pelikula, sanay na si Iza sa katatakutan with movies like Sigaw, The Echo, and Ouija. Sa episode naman na boxer siya, physically ay pinaghandaan ito ni Iza dahil nag-train talaga siya sa boxing in preparation for the said role. Three years ago ay nag-boxing na siya, pero nahinto ito at ngayon nga ay muli niyang binalikan. Hindi maikubli ni Iza ang excitement niya sa Obra dahil sa iba't ibang katauhan or persona na gagampanan niya. WEDDING RUMOR. Nilinaw naman ni Iza ang bulung-bulungan na ikakasal na sila ng long-time boyfriend niyang si Jerry Garcia. Ni hindi pa nga raw nila pinag-uusapan ang tungkol sa kasal. Ayon kay Iza, kung ilang taon na siyang natsitsismis na ikakasal na, pero hindi naman nangyayari. Simply because pareho sila ni Jerry na hindi pa handang lumagay sa tahimik. Kaya naman hindi sila nagkakaroon ng argumento tungkol dito dahil mutual decision naman nilang magkasintahan na paghandaan munang mabuti ang kanilang future together. Although nasa marrying age na naman sila, ayon kay Iza, marahil after three more years pa lang siguro sila mag-uusap tungkol sa kasal. "Pag-uusap lang, ha?" diin niya. "Hindi ko sinasabing in three years ay ikakasal na kami, hindi ganun." Priority kasi ngayon ni Iza ang kanyang showbiz career. Ayon sa aktres, alam niyang once isa na siyang maybahay at ina, marami na siyang mga bagay na hindi magagawa when it comes to her craft as an actress. Ibang level na nga naman ang pag-aasawa kaya sa ngayon at sa mga ilan pang mga taon na darating, maybe in the next five years, lulubus-lubusin niya muna ang pag-aartista. Text IZA to 4627 to bond with her via Fanatxt! Each SMS costs P2.50 for GLOBE, SMART, TM and TALK N Text, while it costs P2.00 for SUN subscribers. To receive picture messages from her, text GOMMS IZA ON to 4627. Each MMS costs P5.00 for all Networks.
Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.