'KMJS': Tigyawat na lumaki, ano kaya ang sanhi?
Isang dalaga mula sa Marilao, Bulacan ang nakaranas ng kakaibang klase ng pagtubo ng tigyawat.
Ingat na ingat ng tubuan ng tigyawat sa magkabilang pisngi ang 17-anyos na si Patricia.
Pero patuloy itong lumaki at sinakop na ang halos buong magkabilang pisngi niya.
“Habang tumatagal po, lumalaki siya," kuwento ni Patricia sa Kapuso Mo, Jessica Soho.
Dagdag niya, "Nagpa-doctor po kami, nagbigay lang po ng antibiotic at ng pang-mumog ko po sa bibig ko."
Naglagay din daw ng toner at cleanser si Patricia, pero lalong lumala ang kaniyang kakaibang tigyawat.
Matapos ang dalawang linggo, ito na ang itsura ng tigyawat niya--lumaki at umumbok pa ito.
Ani ni Patricia, "Una po, magaspang lang po siya tapos parang kulay pasa po.
“Hanggang sa kinabukasan, parang nagkakaroon na po ng nana.
“Sobrang kati po, may tumutulo po. Ramdam ko po na parang namamaga 'yung mukha ko."
Duda ng iba, kinulam daw si Patricia.
Ipinasuri ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa isang dermatologist si Patricia.
Ano kaya ang tunay na sanhi ng kakaiba niyang kondisyon sa mukha?
Panoorin sa KMJS: