What's Hot

'KMJS': Ang ahas sa pamilya ni Lolo Red

By Bianca Geli
Published May 15, 2019 4:19 PM PHT
Updated May 15, 2019 4:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PhilSA warns of China rocket debris near Puerto Princesa, Tubbataha
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Ang Burmese Python na si George nga ba ang ahas sa pamilya ni Lolo Red?

Mala-Zuma ang lalaking nakunan ng mga litrato na nag-trending online. Makikitang may nakapulupot na malaking ahas sa isang lalaki habang naglalakad ito.

Lolo Red
Lolo Red

Ang lalaking ito, si Lolo Alfred “Red” Castro na taga San Pablo, Laguna. Lagi niyang dala ang kaniyang Burmese Python na si George.

Kuwento niya sa Kapuso Mo, Jessica Soho, “Birthday ko…may date nga ako noon. Pagkatapos nung date, nadatnan ko si George, nagwawala doon.”

Binuksan ko na gamit ng susi, dinala ko siya sa mall. Pasyal lang, para makakita siya ng mga tao. Kasi kapag hindi siya nakakakita ng tao, para siyang stressed.

May haba itong 14 feet at tumitimbang ng 40 kilos.

This is the secret of my strength.

Tunay na anak ang turing niya rito, pinapaliguan pa at kung minsan mas mahal pa ang ulam ni George kaysa sa pamilya ni Lolo Red.

Ani ng asawa ni Lolo Red na si Olivia, “Magkaano ang pagkain ni George, minsan 600 [pesos]. Kami ang ulam sardinas, siya naka-manok.”

Kahit pa dalawang beses nang nakagat ni George, pamilya pa rin ang tingin nina Lolo Red sa kanilang alagang ahas.

Ngunit may tunay raw na ahas, na muntik ng sirain ang pamilya ni Lolo Red.

Panoorin ang kanilang storya sa KMJS:

GMA News issues statement on rumors involving Ms. Jessica Soho

'KMJS': Meet this handsome "Tuli Doctor"