IN PHOTOS: The controversial Iwa Moto
Sa simula pa lang ng kanyang career, naging kontrobersiyal na kaagad si Iwa Moto dahil sa kanyang very strong na personality at malayang pananalita.
Starstruck
Produckto si Iwa Moto ng ikatlong season ng reality artista search na StarStruck, kung saan nakuha niya ang titulong First Princess or first runner up ng kompetisyon.
Iwa's Facebook photos
Kamakailan lang ay humingi ng tulong si Iwa sa mga netizens upang i-report ang isang tao na gumagamit ng kaniyang larawan sa Facebook
Shows
Matapos ang StarStruck, agad namang napanood si Iwa sa iba't ibang shows ng GMA tulad ng SOP Gigsters, Bitoy's Funniest Home Videos, at Bakekang.
Suspension
Minsan nang nasuspindi ng anim na linggo si Iwa at ang kapwa niya StarStruck alumna na si Jackie Rice dahil sa kanilang "pasaway" na asal.
Lead role
Nakuha ni Iwa ang unang lead role nila sa Magic Kamison kasama sina Alfred Vargas at Nadine Samonte.
Break
Itinuturing naman na biggest acting break ni Iwa ang role niya bilang Rita Acuesta in the TV movie adaptation of "Kung Mahawi Man ang Ulap."
Married
Nagpakasal si Iwa sa kanyang boyfriend na si Mickey Ablan noong 2009 ngunit agad ding naghiwalay ang dalawa matapos ang isang taong pagsasama. Itinago ng dalawa ang kanilang relasyon hanggang 2012 kung kailan inaayos na nila ang kanilang annulment.
Feud
2012 nang akusahan ni Iwa ang aktres na si Jodi Sta. Maria ng pagkakaroon ng relasyon kay Mickey habang kasal pa sa kanyang asawang si Pampi Lacson.
Relationship
Dahil sa gusot na ito, nakilala ni Iwa ng personal si Pampi. Nagsimula ang kanilang relasyon noong 2012.
Contract
Sinampahan ng GMA Network si Iwa ng breach of contract noong 2012 dahil sa paglabas sa isang show ng ibang network habang hindi pa tapos ang kanyang kontrata sa GMA.
Daughter
Nagbunga ang relasyon nina Iwa at Pampi noong 2013 nang isinilang ang kanilang unang anak na si Hiromi. Pinadalhan naman ni Jodi si Iwa ng libro tungkol sa breastfeeding at agad na nagkaayos ang dalawa.