
First horror movie ni Kapuso actress Inah de Belen ang Maledicto, na idinirehe ni Mark Meily.
Isa daw sa mga rason bakit sumabak siya sa horror films ay ang kanyang actress mom na si Janice de Belen. Nakilala kasi ito sa mga horror movies noong dekada '90.
"'Yung mom ko kasi nakatatak na siya as someone who did a lot of horror movies. 'Yung 'Anak ni Janice,' nakatatak na. Gusto ko din na gawin ko, this is my take on my role," pahayag ni Inah.
Sa Maledicto, gumaganap siya bilang isang dalagang nasapian. Sa sobrang intense ng kanyang eksena, nagkaroon siya in injury na hindi niya napansin kung hindi pa ito binanggit ng kanyang co-star na si Tom Rodriguez.
"'Yung ginawa namin na eksena kasi sobrang intense nga siya. What I didn't realize, noong tapos na, nung nag-cut na si direk Mark, may napansin si kuya Tom. sabi niya, 'Inah may sugat ka ba?" kuwento ni Inah.
May hawak kasing tinidor sa eksena si Inah at pipigilan siya ni Tom na saksakin ang sarili niya gamit ito.
"Totoong tinidor talaga siya, so nasaksak ko talaga 'yung sarili ko. Nagkasugat talaga 'ko," aniya.
Panoorin ang interview nila sa programang Tonight With Arnold Clavio.
Samantala, showing pa rin sa mga sinehan nationwide ang Maledicto. Bukod kina Tom at Inah, tampok din dito sina Jasmine Curtis Smith, Miles Ocampo, Eric Quizon, Martin Escudero, Franco Laurel, Nonie Buencamino, Liza Lorena at Menggie Cobarrubias.
WATCH: Cast ng 'Maledicto,' full-force sa black carpet premiere night ng pelikula