What's Hot

WATCH: Kim Domingo, naranasan noon na tumanggap ng P200 na talent fee sa pagiging extra

By Jansen Ramos
Published April 13, 2019 11:50 AM PHT
Updated April 13, 2019 11:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Mga bumbero, naantala dahil sa ginawa ng isang rider | GMA Integrated Newsfeed
Guam delegation to arrive for Dinagyang Festival 2026
United Kingdom considering social media ban for minors

Article Inside Page


Showbiz News



Sa isang pagbisita ni Kim Domingo sa ArtisTambayan noong April 4, nagkuwento ito na kanyang pinagdaanan bago ang kanyang pagsikat bilang ganap na artista.

Sa isang segment ng ArtisTambayan noong April 4, sinagot ng Kiko En Lala stars na sina Kim Domingo at Tekla ang ilang katanungan ng kanilang fans.

Kim Domingo
Kim Domingo

Kabilang riyan ang mga pinagdaanan nila noong hindi pa sila mga ganap na artista.

Kinumpirma ni Kim na naranasan niya noong tumanggap ng Php 200 na talent fee sa pagiging extra kahit na 24 oras ang kanilang taping.

Kuwento niya, "Actually, nangyari talaga 'yon n'ung time nag-e-extra pa ko sa mga shows, sa mga teleserye before.

"Nag-start ako high school ako pero naging part lang ako ng crowd, mga 16 o 15 ako nun, pinagdaanan ko s'ya.

Dagdag pa ni Kim, "At saka kaya naging 200 kasi kinakaltasan pa ko ng agent ko."

Ang kaniyang kapareha naman na si Tekla, sa tip lang bumabawi noong nagtrabaho siya sa isang comedy bar.

'Yung sahod ko talaga is only Php 300 a night, so mag-start kami ng 9 o'clock ng gabi then hanggang 3 o'clock ng madaling araw, so dun kami bumabawi sa tip."

Panoorin ang buong panayam sa video na ito: