
Simula nang napanood ngayong Lunes, March 25, ang first installment ng One Hugot Away na pinamagatang Walang Label.
Ibinahagi ng bida ng GMA Public Affairs-produced short film na si Shaira Diaz ang ilang snippets mula rito kung saan katambal niya si David Licauco.
Patuloy na sumubaybay sa GMA para sa continuation ng Walang Label na mapapanood ngayong hapon sa Wowowin at gabi sa My Golden Life.
Samantala, mapapanood naman sa Huwebes, March 28, ang buong part two ng short film sa My Golden Life.
Kung ma-miss n'yo man ito, pwedeng mapanood ang Walang Label sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.