Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

WATCH: Kapuso shows patok sa Latin America

By Cara Emmeline Garcia
Updated On: March 13, 2019, 10:59 AM
Ilang Kapuso drama series patok na patok sa Latin America countries. Kabilang dito ang mga hit teleserye na Ika-6 na Utos, Someone to Watch Over Me, at Second Chances.

Patuloy na pinupusuan ang iba't ibang Kapuso shows sa Latin America.

Bumisita ang opisyal ng Latin Media Corporation (LMC) sa GMA Network kahapon, March 12, upang ibalita ang patuloy na pagtangkilik ng Latin American audience sa ilang Kapuso series.

Ayon kay LMC CEO and Founder Jose Escalante, hindi raw nagkakalayo ang kultura at values ng Latin America at Pilipinas kaya niya naisipan dalhin ang Kapuso series sa ibang bansa.

“When I started thinking of bringing content from Asia, I thought of bringing Filipino dramas because we all look the same.

Our values are very similar in terms of culture and the way we educate ourselves.”

LMC CEO and founder Jose Escalante hopes more TV networks in Latin America air GMA dramas

Ang Latin Media Corporation ang bumibili at ang distributor ng iba't ibang Spanish-dubbed Kapuso serye na ipinapalabas sa Latin American countries.

Kabilang na dito ang Ika-6 na Utos, Someone to Watch Over Me, at Second Chances.

Panoorin ang chika ni Nelson Canlas:

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.