Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

'KMJS': Sino nga ba si Ed Caluag?

By Bianca Geli
Updated On: March 4, 2019, 08:02 PM
Kilalanin ang Paranormal Investigator na si Ed Caluag at alamin kung bakit siya naging kontrobersyal.

Naging kontrobersyal si Ed Caluag dahil sa kaniyang mga nakikita't nararamdaman na diumano, siya lang ang nakararanas.

Noon pa man, suki na ng iba't ibang programa ang Paranormal Investigator na si Ed Caluag. Ngunit nagmarka siya sa sunod-sunod niyang pag labas sa Kapuso Mo, Jessica Soho, tulad ng episode tungkol sa ghost ship ng Siquijor na kalaunan ay napatunayang tunay na barko pala talaga. Dahil doon, pinag-usapan na si Ed sa social media.

KMJS: Ang misteryosong 'ghost ship' ng Siquijor

Gayunman, tila hindi nabawasan ang interes sa kaniya.

Naninindigan si Ed na mayroon daw siyang espesyal na kakayahan. Nagkaroon daw siya nito matapos makaranas ng malubhang karamdaman.

Ani ni Ed, “Nagkaroon ako ng lagnat at Polio. 'Yung almost two years akong nasa bahay lang. Na-diagnose ako dati na may Rheumatic Heart Disease.”

“Yung tatay ko, karpentero. Hindi naman laging may trabaho. Minsan, kapag may sakit ka, punas punas lang kahit nilalagnat ka, to the point na hindi nila alam na malala na pala siya.”

Nakaranas din ng pambu-bully si Ed noon, kaya naghanap siya ng kakampi na may kakaibang karunungan na nagturo sa kaniya.

“Binigyan niya ako ng mga orasyon. Sabi niya, puwede mo gamitin ito kapag nabu-bully ka. Nag-start akong mag-isip ng ganyan out of hatred, galit sa mundo, galit sa tao.”

Ang mga natutunan ni Ed, ginagamit niya raw para labanan ang puwersa ng kadiliman at para makapang-gamot.

Totoo kaya ang karunungan ni Ed Caluag? Panoorin ang kaniyang buong pahayag sa KMJS:

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.