
Sobrang na-touch ang aktres na si Janine Gutierrez nang magpa-block screening si Rayver Cruz para sa kaniyang Regal Entertainment Inc. film na Elise.
Aniya, “Super touched ako, it was a surprise and I didn't expect na may pa-block screening, so masaya. Kasi 'yung laman ng sinehan puro friends and family. Super na-appreciate ko 'yung effort na magpa-block screening.”
Kuwento rin ni Janine, supportive raw talaga si Rayver sa kaniyang film lalo na't best friend nito ang Elise co-star niyang si Enchong Dee.
Dumalo sa block screening si Rayver kasama ang kaibigan nitong si Edgar Allan Guzman, na makakatambal naman ni Janine sa GMA drama na Dragon Lady.
Saad ni Janine, “Na-e-excite akong makatrabaho 'yung ibang mga artista sa Dragon Lady. Si EA kasi nakasama ko rin recently kasi nagpunta rin siya sa block screening ng Elise, so medyo naging kaibigan ko na siya, and now I'm really excited to work with him kasi mas madali katrabaho kapag kilala mo na rin 'yung mga ka-eksena mo."Related content:
Rayver Cruz shows support for Janine Gutierrez's movie 'Elise'
IN PHOTOS: Meet the complete cast of 'Dragon Lady'