READ: Therese Malvar gets biggest TV break via 'Inagaw na Bituin'
Itinuturing ni Therese Malvar, 18, na isang malaking hakbang para sa kaniyang showbiz career ang maging bahagi ng GMA Afternoon Prime teleserye na Inagaw na Bituin.
Ito raw kasi ang unang pagkakataon na gaganap siya bilang isa sa mga pangunahing tauhan ng isang teleserye.
Kasama niya bilang lead actress sa Inagaw na Bituin ang kapuwa teen actress na si Kyline Alcantara.
“I'm happy with any roles that are given to me because I love what I do,” sabi ni Therese nang makausap siya ng GMAnetwork.com at iba pang entertainment reporters matapos ang media conference ng Inagaw na Bituin noong Biyernes, February 1.
Patuloy niya, “I'm really happy that this was given to me kasi malaking angat na 'to [sa akin] sa TV kasi I've never done any lead [role].”
“Kaya nga po habang kinukuwento ko sa iba, na dati kong handlers, naiiyak po ako minsan kasi parang sinasabi nila sa akin, 'Finally, you're given this break,' so I'm really happy.”
Bagamat hindi pa nakapagbibida sa isang teleserye bago ang Inagaw na Bituin, nakilala na si Therese sa kaniyang husay sa pag-arte sa ilang pelikula ng Ang Huling Cha-Cha ni Anita at Hamog, na nagbigay rin sa kaniya ng sari-saring acting awards.
Pagdating sa telebisyon, naging bahagi na rin siya ng ilang teleserye ng GMA-7, simula nang pumirma siya bilang contract artist ng GMA Artist Center.
Para sa dalagang aktres, maganda ang timing ng Inagaw na Bituin para sa kaniyang showbiz career.
“Dati pa po akong pinapansin, hindi lang po agad-agad nag-shine,” paglilinaw ni Therese.
“It wasn't my spotlight. I'm grateful na I wasn't given [a show] agad-agad 'cause I knew that I wouldn't take it as well as I took it right now.
“I'm thankful that I believed in God's perfect timing. Hindi ko minamadali, hindi ako naging greedy o nainggit sa career ng iba.
“I believed in my career and I know, if through sincerity with what I do, eventually, hardwork pays off.”
Bukod sa first lead role, sa Inagaw na Bituin din unang mararanasan ni Therese ang kumanta sa harap ng publiko.
Sa ginanap na media conference, nahihiya siyang humarap sa entertainment media nang kantahin niya ang theme song ng teleserye ang “Ako'y Isang Bituin.”
Aminado si Therese na isa ito sa mga concern niya sa kaniyang bagong TV project.
“Ako po, nako-concern kasi po, in the first place, hindi po ako kumakanta ever in front of people kasi may stage fright po ako.
“So, I have lots of firsts with this teleserye agad-agad. Kasi, nag-mall show-mall show kami, kumanta-kanta ako agad.
“But I love singing, I just don't like singing in front of others. I'm still learning.
“Hopefully, in this teleserye, I will learn to gain more confidence because that's what I really, really, lack.”
Kung sakali, bukas naman daw si Therese na maging isang recording artist ng GMA, pero mangunguna pa rin daw sa kaniya ang pagiging isang artista.
Ani Therese, “Just as long as they don't take the sincerity away from me.
“Just as long as I know what I love. Sabi ko nga, if it comes to a time where I would turn into a robot, that's the time I would step away.
“Kasi, I entered here because I love acting.
“I also love singing and it's fine na bigla na lang akong pinapakanta, I love it as well.
“But if they throw these instructions to me, na hindi na po ako magiging artista, hindi ako magpapakontrol na parang robot, dapat collaboration.”
Dagdag pa niya sa huli, “With regard to recording, anything can happen, I'm open naman po.
“But I really love acting. Hopefully, mas acting ang maibigay sa akin.”