TV

Bianca Umali, makakasama sina Miguel Tanfelix at Migo Adecer sa 'Sahaya'

By Michelle Caligan
Updated On: March 11, 2019, 03:37 PM
Isa sa mga inaabangang teleserye ngayong 2019 ang Sahaya, na muling pagtatambalan nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix. Makakasama rin nila dito ang StarStruck Ultimate Male Survivor na si Migo Adecer. Read more!

Isa sa mga inaabangang teleserye ngayong 2019 ang Sahaya, na muling pagtatambalan nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix. Makakasama rin nila dito ang StarStruck Ultimate Male Survivor na si Migo Adecer.

Miguel Tanfelix, Bianca Umali, at Migo Adecer
Miguel Tanfelix, Bianca Umali, at Migo Adecer

Iikot ang kuwento nito kay Sahaya (Bianca), isang babaeng Badjaw na nagsumikap para mabago ang kanyang kapalaran. Iibig sa kanya ang dalawang lalaki -- ang kapwa Badjaw at kababata niyang si Ahmad (Miguel) at ang taga Maynila na si Jordan (Migo).

Dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari, mawawalay si Sahaya sa kanyang mga mahal sa buhay sa kanilang kampong at mapadpad sa Maynila, isang lugar na ibang iba sa kinalakihan niya. Mahihirapan siyang makabalik sa kanila, kaya pipilitin niyang makibagay sa mga taong hindi niya kilala at sa pamumuhay na malayo sa kinagisnan niya.

Kasama rin sa teleseryeng ito sina Mylene Dizon, Zoren Legaspi, Ana Roces, Ashley Ortega, Pen Medina, Jean Garcia at Eric Quizon, with the special participation of Jasmine Curtis Smith, Gil Cuerva and Benjamin Alves.

Abangan ang Sahaya, malapit na sa GMA Telebabad.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.