
Isang pagkilala ang tinanggap ng Kapuso singer na si Christian Bautista.
Ang parangal na Media Excellence Award for Music ay iginawad ng NCST Dangal ng Bayan ng National College of Science and Technology Dasmariñas, Cavite.
Ang awarding ceremony ay ginanap nitong ngayong Miyerkules (January 23).
Nagpahayag ng pasasalamat si Christian sa pagkilala na kanyang tinanggap.
Ang ilan pang Kapuso na pinarangalan ay ang GMA News Online para sa Media Excellence for Radio Broadcasting at si Jessica Soho naman ay ginawaran ng Media Excellence for TV Broadcasting.
Nakatanggap naman ang Idol sa Kusina ng Media Excellence Award for Hospitality Management.