WATCH: Near-death experience ng police-turned-model na si Neil Perez
Naaksidente si Mr. International 2014 at police hottie Neil Perez noong July 1, 2018 habang sakay ng kaniyang motorsiklo.
TRIVIA: Celebrity accidents na pinag-usapan
Sa panayam sa kaniya ng Tunay na Buhay, ibinahagi ni Neil ang mga nangyari sa kaniya sa aksidenteng kinasangkutan.
Aniya, “Pagbaba ng tulay nagulat ako 'yung kalsada sira tapos may parang humps na bakal, lumipad ako doon sa part na 'yun. Tapos, nabitawan ko 'yung manibela tapos slide ako, tapos wala na ako naalala.”
Umamin din ito sa one-on-one interview niya kay Rhea Santos na kinabahan siya sa mga tinamo niyang injuries.
“Pakiramdam ko ano nang mangyayari sa akin kasi gising ako tapos baka dumating 'yung oras na biglang mag-shutdown 'yung utak ko ganun.”
Panoorin ang full interview ni Neil Perez sa Tunay sa Buhay sa video below:
Video courtesy of GMA Public Affairs