Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

WATCH: Direk Joel Lamangan, dismayado matapos mabalahaw ang ilang float sa MMFF Parade of Stars

By Aedrianne Acar
Updated On: December 25, 2018, 10:34 AM
Nabalahaw ang ilang float sa Metro Manila Film Festival (MMFF) Parade of Stars noong December 23 sa Parañaque. Nagpahayag ng saloobin si Direk Joel Lamangan ukol dito.

Naglabas ng saloobin ang award-winning director na si Joel Lamangan matapos mabalahaw ang float ng pelikula niya na Rainbow Sunset na sasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) Parade of Stars noong December 23 sa Parañaque.

Direk Joel Lamangan
Direk Joel Lamangan

Sa panayam kay Direk Joel ng Chika Minute, may kakulangan daw ang city government ng Parañaque at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagkabalahaw ng ilang float. Bukod sa Rainbow Sunset, na-stuck din sa putikan ang float ng Jack Em Popoy at Otlum.

“Hindi maganda ito dapat may masusing pag-aaral kung paano ito gawin, dapat hindi ito ginawa sa isang lugar na napakaputik. Eh alam naman nilang umuulan kaninang umaga pa, dapat kaninang umaga pa mayroon na silang agad ginawa upang mapaalis ang lahat ng truck dito puwede naman sa kalye.”

Ito naman ang naging paliwanag ni MMDA Chairman Danny Lim sa mga nangyari sa float sa MMFF Parade of Stars.

Ani Chairman Lim, “Limitado kasi 'pag nilagay natin sa kalsada kasi from the start baka maka-ano pa sa trapik, so pina-preposition muna doon, hindi naman natin na ano na lalalim [o] magpuputik talaga.”

Video courtesy of GMA News

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.