
Pinabulaanan ni Solenn Heussaff ang akusasyon ng isang netizen na gina-glamorize niya ang karahasan laban sa mga kababaihan.
Sa kaniyang Instagram kahapon, pinost ni Solenn ang larawan kung saan makikita na tila sinasaktan siya ni Dingdong Dantes. Ito ay kuha sa eksena nila sa bagong GMA primetime series na Cain at Abel.
Kasunod naman nito ay larawan ng kaniyang asawang si Nico Bolzico kasama si Dingdong sa katatapos lamang na Color Run Hero 2018.
Sa caption, sinulat ng Kapuso actress/TV host, “Spot the difference. (swipe) #CainAtAbel starts tonight! Eeek! (act vs reality. Dont try this at home)”
Tila hindi naman ito nagustuhan ng isang netizen at sinabihan si Solenn na, “This looks like you're glamorizing violence against women [sob emoji].”
Agad naman itong sinagot ni Solenn ng simpleng, “No, of course not.”
Sa thread ng kanilang sagutan, makikita ang ilang fans na nagsabi parte lamang ito ng bagong teleserye nina Solenn at Dingdong, ang Cain at Abel.
Solenn Heussaff is ready for more drama in 'Cain at Abel'