
Nasa Day 11 na ang shooting para sa reunion movie ng dating Encantadia actresses na sina Sunshine Dizon, Diana Zubiri, Iza Calzado, at Karylle.
Nagbigay ng update tungkol rito ang dati nilang director na si Mark Reyes, na siya ring madidirek ng naturang pelikula.
Ito ang magiging unang proyekto ng film outfit ni Direk Mark na Sang'gre Productions.
Sa kaniyang Instagram post, ipinakita ni Direk Mark ang isang eksena na kuha sa isang parking lot.
Ani ni Direk Mark, “My Saturday night be like... “
Ang unang pelikula ng Sang're Productions ay pagbibidahan din ng iba pang cast ng original Encantadia.
Nabanggit din ni Direk Mark na mapapanood ang pelikula sa online streaming service na iFlix.
Direk Mark Reyes clarifies that Sang'gre Productions's first film isn't a remake of Encantadia