Showbiz News

#BawalJudgemental: Sheena Halili, sinagot ang kumuwestiyon sa kaniyang pagiging Kristiyano

By Aedrianne Acar

Hindi pinalagpas ng StarStruck alumna na si Sheena Halili ang pambabatikos sa kaniya ng isang netizen dahil sa kaniyang swimsuit photo.


Makikita sa comment section ng Instagram post niya ang pagkuwestiyon ng naturang netizen ng pagiging Kristiyano ng Kapuso actress.

Post ng basher, “I know you are a Christian Sheena, what happened to you?... a bit disappointed here. I hope you open your eyes and go back to the Lord.”

Isang mahabang sagot ang ibinigay ng 31-year-old Kapuso actress sa negative post ng netizen.

Saad ni Sheena, “Ang totoong Christian hindi Judgemental. May puso, respeto sa kapwa, hindi nagdidikta kung ano ang dapat gawin ng kapwa, hindi selfish. Mapang-unawa, mapagmahal! Hindi nananakit ng kapwa.”

Dagdag niya, “Alam niyo sa totoo lang nakakalungkot kasi maraming hindi Christian pero napakalaki ng puso.

"Hindi sila nanghuhusga. Kahit masama 'yung tao, minamahal at pinakikinggan nila para palakasin ang loob at para iparamdam na masarap mabuhay.”

Nilinaw din ng Kapuso star na alam niya ang limitasyon niya at binigyan-diin na hindi pa rin siya nagbabago.

“Christian pa rin ako. I know my limitations. Lahat ng ginagawa ko may blessings na rin ng parents ko at ng mapapangasawa ko. I'm 31.

"Nasa age na ako bago ka gawin 'yan. At 'di ako nagkakalat. Di pa rin ako nagbabago.”

Sa kabila ng pambabatikos sa post niya sa Instagram, marami pa rin celebrities ang sobrang hanga sa sexy figure ni Sheena.