Vic Sotto on Maine Mendoza and showbiz intrigues: "She will learn on her own"
Nakitaan ng malaking potensyal ng Eat Bulaga pioneer Vic Sotto ang Phenomenal star na si Maine Mendoza kaya nabuo ang bago nilang sitcom na Daddy's Gurl.
Sa panayam ng miyembro ng press kay Bossing sa taping ng kanilang sitcom nitong Martes, November 6, sobra siyang napabilib sa timing ni Maine kapag napapanood niya ito sa Pamilya Nunal (isang segment ng Eat Bulaga) kung saan kasama niya ang JoWaPao.
Wika ni Vic, “I wanted our production [M-Zet Productions] to be involved in it. First time kasi during that time na nasa barangay si Maine nagpa-Pamilya Nunal sila nakikita ko eh na maganda 'yung timing niya sa comedy. Maganda 'yung rapport niya sa mga kasama. Sabi ko she will be effective sa sitcom.”
Bilang tumatayong father figure ni Maine sa showbiz, tinanong ng GMANetwork.com kung nagbibigay ba si Bossing ng payo sa aktres kung paano niya iha-handle ang showbiz intrigues na binabato sa social media star?
Pag-amin ni Bossing na naniniwala siya na mas makakabuti kung matutunan ni Maine Mendoza ang pagharap sa mga ito sa sarili niyang paraan.
Paliwanag niya, “Aside from the fact na hindi ako pakialamero, dapat 'yun matutunan niya on her own. All the lessons the good and the bad, dapat matutunan niya.”
“Kasi I've been through that also, I've been here for quite some time so wala naman nag-a-advice sa akin na 'uy ito gagawin mo pagka may buwisit ganiyan. She will learn on her own and she's a good learner.”
Huwag papahuli sa exciting episode ng Daddy's Gurl this coming November 5, dahil tatlong hotties ang makikilala ni Stacy!
Pumayag na kaya si Barak na maligawan ang kaniyang unica hija?
Heto ang paunang silip sa episode five ng Daddy's Gurl this Saturday night!