LOOK: Kris Aquino makes first public appearance after health scare
Tuluyan na ang pagbabalik-trabaho ni Kris Aquino matapos ang naranasang health scare kamakailan.
Isa sa mga panauhin ang TV host/actress/celebrity endorser sa ginanap na anniversary event ng isa sa kaniyang mga ineendorsong brand.
Sa kaniyang Instagram post kagabi, October 15, makikita ang pagdalo ni Kris sa naturang event kasama ang kanyang bunsong anak na si Bimby.
Sa caption nito, sinabi ni Kris, “Slowly but surely going back to work & loving it.”
Matatandaan na noong nakaraang buwan ay lubos na nabahala ang multimedia personality dahil sa mabilis na pagbawas ng kaniyang timbang.
Noong una, sinabi ni Kris na maaaring dulot ito ng matinding stress na naranasan niya matapos ang panloloko sa kanya ng pinagkatiwalaan niyang tao.
IN PHOTOS: Kris Aquino continues fight against unnamed financial abuser
Dahil sa nangyari sa kanyang kalusugan, nagtungo si Kris sa Singapore upang ipakonsulta ang kaniyang kalagayan.
Dito ay napag-alaman na mayroon siyang Chronic Spontaneous Urticaria, isang uri ng autoimmune disease.