Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

READ: Lolit Solis, nagkomento sa pag-alis ni Regine Velasquez sa GMA Network

By Cherry Sun
Updated On: October 14, 2018, 01:59 PM
Ano nga ba ang masasabi ng batikang showbiz reporter at manager na si Lolit Solis sa pag-alis ni Regine Velasquez sa GMA Network?

Nagbigay ng kanyang opinyon si Lolit Solis tungkol sa pag-alis ni Regine Velasquez sa GMA Network.

Ani Lolit, hindi raw ibig sabihin na kung may artistang lilipat ay discontented agad ito at may nakitang hindi gusto.

Paliwanag niya, “Para lang iyan paghahanap ng bahay, pag nakita mo mas maayos at sakto ang presyo sa iyo, lilipat ka kahit sanay ka na at gusto mo rin iyon luma mong bahay. Tapos pag nandun ka na sa nilipatan mo either may makita kang palpak o ma-feel mo mas maganda sa dati mong bahay. Ganun lang iyon. Hindi ibig sabihin kaya lumipat hindi na niya gusto iyon dati, human nature lang natin na tingnan kung ano ang iba sa kabila at kung ano ang bago.”

Natural lang daw na may mga artistang lumilipat ng network, at dahil sa kanilang paglipat ay mas nagiging interesting ang mga maaaring mangyari sa entertainment scene.

Patuloy ni Lolit, “Kung maraming lumilipat sa 2, marami rin lumilipat sa 7. Mas maganda nga dahil at least naiiba-iba ang rekado. Ang hirap din naman na lagi na lang iyon ang sahog, at least now makita mo kasama ni Regine si Sharon o si Sarah Geronimo. Tapos iyon mga batang singers ng 7 mabigyan na rin ngayon ng pansin, siyempre nun nandiyan si Regine Velasquez second o third layer lang sila. Now baka sakali, they can prove na puwede pala silang ilagay sa first layer."

"Times are changing, kailangan din mabago ang eksena, hindi puwede ganun lang nang ganuon ang paninda mo na ibibigay sa televiewers kaya all the chances kinukuha mo," dagdag din niya.

Sobra naman ang reaction sa lipatan ng mga artista, Salve. At latest nga dito iyon paglipat ni Regine Velasquez sa Channel 2 mula sa GMA 7. Kung maraming stars ang lumilipat, hindi ibig sabihin discontented sila. Hindi rin ibig sabihin meron silang hindi gusto. Para lang iyan paghahanap ng bahay, pag nakita mo mas maayos at sakto ang presyo sa iyo, lilipat ka kahit sanay ka na at gusto mo rin iyon luma mong bahay. Tapos pag nandun ka na sa nilipatan mo either may makita kang palpak o ma-feel mo mas maganda sa dati mong bahay. Ganun lang iyon. Hindi ibig sabihin kaya lumipat hindi na niya gusto iyon dati, human nature lang natin na tingnan kung ano ang iba sa kabila at kung ano ang bago. Kung maraming lumilipat sa 2, marami rin lumilipat sa 7. Mas maganda nga dahil at least naiiba-iba ang rekado. Ang hirap din naman na lagi na lang iyon ang sahog, at least now makita mo kasama ni Regine si Sharon o si Sarah Geronimo. Tapos iyon mga batang singers ng 7 mabigyan na rin ngayon ng pansin, siyempre nun nandiyan si Regine Velasquez second o third layer lang sila. Now baka sakali, they can prove na puwede pala silang ilagay sa first layer. Times are changing, kailangan din mabago ang eksena, hindi puwede ganun lang nang ganuon ang paninda mo na ibibigay sa televiewers kaya all the chances kinukuha mo. Gusto lumipat nito, ok go. Gusto niya pumasok dito, ok tanggapin. Paikot-ikot lang naman. Tingnan mo si Ogie Alcasid, from 7 to 5 to 2, walang problema. Ganundin si Regine, kung saan niya gusto ok lang. Wala naman permanente, lahat nagbabago. So why hang on to something kung may iba ka naman chances, at why stop one who like to go? Tuloy ang buhay. Wala nabago, 'di ba? #instatalk #lolitkulit #71naako @reginevalcasid

Isang post na ibinahagi ni LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) noong

Related Videos
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.