Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Rayver Cruz, 'feel at home' na sa GMA Network

By Gia Allana Soriano
Updated On: October 13, 2018, 11:44 AM
Aminado si Rayver Cruz na nahiya pa siya na kausapin ang kanyang Kapuso co-stars nong unang taping day ng 'Studio 7,' pero di rin nagtagal ay naging kumportable na rin siya sa kanyang bagong tahanan.

Mabilis naramdaman ni Rayver Cruz na parte na siya ng Kapuso family. Lalo na ngayong makakasama niya ang ilan sa mga Kapuso stars sa upcoming musical variety show, ang Studio 7.

TUXidentally laughed about it 🕴🏻

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz) on

Aniya, "Nahiya ako kausapin sila, nahiya ako, [and iniisip ko] kung ano'ng puwede kong gawin sa show. Pero nung nakausap ko na sila, sobrang na-feel at home ako agad. Ang babait nilang lahat.

"And ang gagaling nilang lahat, nakaka-proud. And iba rin talaga 'yung talent ng mga kasama ko dito sa show. And 'yung mga Clashers. 'Yung feeling na na-feel at home ako agad, and masaya ako dahil comfortable ako agad sa unang taping day lang namin."

Isa raw sa dapat abangan ay kung kakanta rin ba si Rayver dito. Ika niya, "Kahit ano naman po gagawin namin para mas mapasaya 'yung mga tao, 'yung mga manonood."

Ipapalabas ang Studio 7 ngayong October 14, pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.