Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Rayver Cruz, pinagluluto na ni Lotlot de Leon?

By Bianca Geli
Updated On: October 9, 2018, 07:25 PM
Sa media conference ng upcoming GMA show na 'Asawa Ko, Karibal Ko,' nagkuwento si Rayver Cruz kung gaano siya ka-close sa ina ng kanyang rumored girlfriend. Read more.

Hindi maikakaila ng Kapuso actor na si Rayver Cruz na malapit siya sa puso ng co-star na si Lotlot de Leon na ina rin ng kaniyang rumored girlfriend na si Janine Gutierrez.

Kahit na may pressure sa mga eksena, naging magaan daw ang loob niya nang malaman na makakasama niya si Lotlot sa Asawa Ko, Karibal Ko.

Nang ma-interview si Rayver ng press sa media conference ng Asawa Ko, Karibal Ko, nabanggit nito ang closeness nila ni Lotlot.

“Siyempre nung una pa lang na beses na sinabi sa akin na makakasama ko si Ate Lot, na-excite ako kasi close naman ako kay Ate Lot talaga. Lagi akong humihingi [ng food] kahit hindi sa set, iti-text ko siya, “Ate Lot, lutuan mo naman ako ng Adobo.”"

Ngunit aminado si Rayver na may kaba at pagiging mahiyain pa rin siya kay Lotlot lalo na sa tuwing ka-eksena niya ito.

“Hindi ko rin alam ano gagawin ko kapag ka-eksena ko siya, kasi Ms. Lotlot de Leon 'yun. Kailangan ko rin paghandaan kapag ka-eksena ko siya. Sabi ko naman sa kaniya siya na ang bahala sa akin.”

Hanga raw siya sa kabaitan ni Lotlot at kampante raw siya na hindi siya pababayaan nito sa set ng Asawa Ko, Karibal Ko. “Mabait naman si Ate Lot, alam kong gagabayan niya naman ako.”

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.