What's Hot

Rodjun Cruz, excited nang makatrabaho ang kapatid na si Rayver Cruz

By Jansen Ramos
Published October 9, 2018 2:45 PM PHT
Updated October 9, 2018 2:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Miss World Philippines queens take part in medical mission
Harry Styles to release new single 'Aperture' on January 23
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro

Article Inside Page


Showbiz News



Rodjun Cruz, ibinunyag ang dream project kasama ang kapatid na si Rayver Cruz. Alamin dito:

Thankful ang Kapuso hunk na si Rodjun Cruz matapos niyang i-renew ang kanyang kontrata sa GMA Network.

Present sa contract signing ngayong araw, October 9, si GMA SVP for Entertainment Lilybeth G. Rasonable, AVP and Head for Talent Imaging and Marketing Unit Simoun Ferrer, SAVP for Alternative Productions and Entertainment TV Gigi Lara, at talent manager na si Leo Dominguez.

Almost six years nang Kapuso si Rodjun kaya nagpapasalamat siya sa tiwalang ibinibigay sa kanyang ng Network.

Sabi niya, "Sobrang thankful talaga ako sa GMA dahil sa sobrang tiwala na ibinibigay nila sa 'kin."

"And dito ko talaga na-experience maging aktor dahil na-eexplore ko po yung iba't ibang characters, iba't ibang roles, so mas ganado po akong magtrabaho ngayon dahil na-enjoy ko 'yung trabaho ko, ang dami kong napapasayang tao."

Excited na rin daw si Rodjun na makatrabaho ang kanyang kapatid na si Rayver Cruz na kakapirma lang ng kontrata sa GMA.

Rayver Cruz, balik Kapuso na!

Pahayag ng aktor, "Sana malapit na, kasi 'yung guesting namin sa Tonight With Arnold Clavio sobrang nag-enjoy kaming dalawa.

“Sobrang saya lang, parang 'di trabaho, nakasayaw kami together, after ilang years nagkasama ulit kami together.

"Iba 'yung feeling na magkasama kaming magkapatid sa pagsayaw, sa pagkanta, so sana sa project naman is acting, so mas masaya yun."

Ano kaya ang dream project niya kasama ang kanyang kapatid?

"Dream project ko siyempre magkaroon kami ng teleseye na magkasama na drama-action."

"Kapag magkasama kami ni Rayver, iba 'yung feeling e, iba 'yung energy na nabibigay [namin].

Rodjun Cruz signs the renewal of his management contract with GMA Artist Center!

A post shared by GMA Artist Center (@artistcenter) on


Ibinunyag naman ni GMA SVP for Entertainemnt Lilybeth G. Rasonable ang mga dapat abangan kay Rodjun.

Saad niya, "Si Rodjun alam naman natin na he's a multi-talented artist, not only can he act, he can also dance, so meron tayong ibibigay na project sa kanya na drama, at the same time and'yan ang Studio 7. We will also have him in the show."

Ani Rodjun, kaabang-abang daw ang production number na kanyang gagawin sa newest variety show daw dahil kasama niya rito si Rayver.

"Nag-guest ako sa Studio 7, so abangan nila may prod kami ni Rayver.

“Feeling ko naman sa Studio 7, may mga gagawin pa kaming production numbers na magkasama kami ni Rayver, so dapat lagi silang tumutok."

Dagdag pa ni Rodjun, namana raw niya ang kanyang hilig sa pag-peperform sa kanyang mga tito at pinsan sa showbiz.

"Isa po 'yun sa mga kaligayahan ko bukod sa acting,” sabi ni Rodjun.

“Nakakapag-enjoy ako, nakakapagsayaw ako, nakakapag-enterrtain ako ng mga tao, na-explore ko rin 'yung talent ko sa pagkanta at sa pagsayaw.

“So siyempre, alam mo naman mana-mana tayo kina Ricky Belmonte, Tito Pip, sa mga pinsan ko kila Sheryl, Sunshine, Donna, kila Ate Geneva."

Ang tinukoy ni Rodjun ang mga tiyuhin niyang sina Ricky Belmonte at Tirso Cruz III, at ang mga pinsang sina Sheryl Cruz, Sunshine Cruz, Donna Cruz, at Geneva Cruz.