LOOK: Gardo Versoza, binigyan ng maagang pamasko ang isang sapatero
Patuloy ang pagtulong sa mga kapus-palad ng grupo ng bikers na itinaguyod ni Gardo Versoza, ang Cupcake Bikers 143.
Kamakailan ay binigyan nila ng isang bagong bisikleta ang isang sapaterong pinangalan ni Gardo na Kuya Tony.
Sabi ng Onanay star sa kanyang Instagram post, kaagapay na ni Kuya Tony ang bisikleta sa kanyang paghahanap-buhay mula pa noong dekada '80.
"Make somebody happy. Magmula pa 1980's biskleta na po ang naging kaagapay nya sa pagiging sapatero at pagtaguyod sa pamilya nya,” sabi ni Gardo.
Nagpasalamat naman ang sapatero sa maagang pamasko na handog ng sponsor ng Cupcake Bikers 143.
"Maraming salamat daw po kay boss jerry at sa TRINX @trinxofficial ,, malaking ginhawa po at maagang pamasko para kay kuya tony na sapatero. #thankyouLORD sarap sa pakiramdam ️@cupcakebikers #cupcakebikers143" sulat ni Gardo.