What's Hot

Yaya Lina ni KC Concepcion, dating miyembro ng fans club nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion

By Al Kendrick Noguera
Published October 3, 2018 11:50 AM PHT
Updated October 3, 2018 12:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sandiganbayan orders 2 Revilla co-accused sent to QC women’s jail
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Fan na fan ng kanyang mga magulang ang Yaya Lina ni KC Concepcion.

Kamakailan lamang ay nabalitang binigyan ng bahay ni KC Concepcion ang kanyang childhood yaya na si Nanay Lina.

WATCH: KC Concepcion, binigyan ng bahay ang kanyang childhood nanny

Isa sa mga natuwa sa balitang ito ay ang beteranong entertainment writer at talent manager na si Lolit Solis. Isang trivia pa nga ang ibinahagi niya sa kanyang Instagram patungkol kay Nanay Lina.

Tuwang-tuwa ako dun sa balita na binigyan ni KC Concepcion ang yaya niyang si Lina ng bahay, Salve. Alam mo ba na Gabby/Sharon fan ang kanyang yaya Lina? Member ng fans club nila sila Eden at Lina, nang maghiwalay sila Sharon/Gabby naiwan si Lina kay Sharon at naging yaya ni KC. Si Eden naman naiwan kay Gabby at naging PA nito na umalis lang nang maging asawa ni Gabby si Jenny Syquia. Sure ako na mahal na mahal ng yaya niya si KC na devoted fan ng mga magulang niya at nakakatuwa naman na binigyan ito ng bonus sa tagal ng paglilingkod at pagmamahal kay KC. Sabi ko nga, tingnan mo how long nag-stay ang isang tao sa paglilingkod at doon mo makikita kung ano ang ugali ng naging boss nila. Yaya Luring was a good example of how Sharon treated her staff. Her yaya Lina is a living proof how KC was as a boss. Bongga, talaga totoo, love begets love. Mahal mo alaga mo, mamahalin ka rin nila. Clap your hands for Sharon and KC. Good, kind, big Boss. #instatalks #lolitkulit #71naako @itskcconcepcion @reallysharoncuneta ❤️

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on


Dati palang miyembro ng fans club nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion si Nanay Lina. Ani Lolit, "Member ng fans club nila [sina] Eden at Lina. Nang maghiwalay [sina] Sharon/Gabby, naiwan si Lina kay Sharon at naging yaya ni KC. Si Eden naman, naiwan kay Gabby at naging PA nito na umalis lang nang maging asawa ni Gabby si Jenny Syquia.

"Sure ako na mahal na mahal ng yaya niya si KC na devoted fan ng mga magulang niya at nakakatuwa naman na binigyan ito ng bonus sa tagal ng paglilingkod at pagmamahal kay KC. Sabi ko nga, tingnan mo how long nag-stay ang isang tao sa paglilingkod at doon mo makikita kung ano ang ugali ng naging boss nila," dagdag pa niya.

READ: Gwapong anak ng bilyonaryo sa Thailand, dahilan ng panloloko kay Kris Aquino?